Tuesday, January 8, 2019

Araw Ng Mga Guro


Ano nga ba ang guro? 

Ang guro ang maituturing na pangalawang magulang na siyang huhubog sa kaisipan, paniniwala, pag-uugali at gagabay sa mga kabataan sa paglalakbay ng murang isipan na maarok at mabigyang halaga at kalayaan, kamalayan at buhayin ang masidhing ‘kyuryusidad’ ng bawat hilaw na isipan ng kabataan. Ang ating mga guro ang nagsisilbing gabay natin upang hindi tayo mawala sa landas na ating pupuntahan. October 5 "araw ng mga guro. Kung kaya't sa araw ng mga guro, kailangan natin silang pasalamatan sa lahat ng mga sakripisyo at tulong nila satin.Bilang pangalawang magulang ng mga bata, pumapapel sila bilang tagapayo o kaibigan kapag may nagkaproblema sinuman sa klase. Ang gatla sa kanilang noo ay hindi lang dahil sa problema sa pansariling buhay kundi maging ng bawat pupilong nagdaraan sa kanilang mga kamay.
Sa bawat bahagdan ng edukasyon, ang mga guro ang pinakapuso ng lahat ng pagsisikap upang mapalaganap ang kapayapaan, karapatang pantao, demokrasya, pag-angat ng kabuhayan at pagkakaisa ng buong mundo.
Batiin natin ang ating mga guro sa nakaraan at kasalukuyan. Sila ang naghandog ng kanilang buhay sa paniniwalang ang pagkatuto ang pinagmumulan ng kalayaan, at ang edukasyon ang buhay at dugo ng demokrasya.

salamat ma'am/sir! 








credits:

https://gerliepink.wordpress.com/2009/10/05/araw-ng-mga-guro/

https://definitelyfilipino.com/blog/ang-dakilang-guro/

No comments:

Post a Comment

SELF INTRODUCTORY (FLANDEZ, ERIN PHOEBE 12 DEMOCRITUS)

 My name is Erin Phoebe Flandez, i was born on July 06, 2003. I am currently a Grade 12 Student studying at Ilocos Sur National High School....