Monday, August 6, 2018

Buwan ng Wika 2018



Apat na letra, isang salita na may napakaimportanteng gamit sa ating lahat. Ang wika ay napaka importante sa ating lahat sapagkat ginagamit natin ito sa pagpaparating ng ating mga ideya at opinion. Ang wika ay ginagamit upang makipagtalastasan sa kapwa. . Alam natin na marami ang kahalagahan ng wika para sa ating mga tao. Pakikipagugnayan sa ibat ibang tao, pilipino man o mga dayuhan.


"Filipino: Wika ng Saliksik" ang tema ng Buwan ng Wika ng 2018. Ayon sa aking pagkakaintindi ang tema ay nangangaluhugang kailangan nating pahalagahan ang wika sapagkat ito ay nakaktulong satin sa pakikipagkapwa sa araw araw. Maraming wika at mga diyalekto sa boung mundo. Ingles, espanyol at marami pang iba. Filipino, ang wikang ating kinagisnan. Ang wikang ginagamit natin sa pakikipagkalakalan sa boung pilipinas, sa visayas, mindanao o luzon man. Ang Ating wika ang nagiging tulay saating lahat para magkaintindihan tayo. Sa pilipinas, may iba't ibang uri tayo ng diyalekto at ang tagalog lang ang tanging wika na alam nating lahat. Ngunit ginagamit pa ba ngayon ang ating wika? Dahil sa teknolohiya, lahat na ngayon ng kabataan inglisero at inglesera. Hindi na nila ginagamit ang ating wika sapagkat halos lahat na ng nasa internet ngayon ay ingles kaya't naiimpluwensaan na sila nito. 

Ang wika ay napakahalaga at nakakatulong sa atin. Kaya kailangan natin itong gamitin at ipagmalaki. 


No comments:

Post a Comment

SELF INTRODUCTORY (FLANDEZ, ERIN PHOEBE 12 DEMOCRITUS)

 My name is Erin Phoebe Flandez, i was born on July 06, 2003. I am currently a Grade 12 Student studying at Ilocos Sur National High School....